Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryJun 12, '07 9:49 AM
for everyone
Nakakatawa. Buong araw akong nagpapahinga, nagtatrabaho, at nakikipagkulitan... Bigla na lamang sumayad sa aking isipan ang petsa ng araw ngayon... Na hindi naman karaniwan sa akin ang makalimot.

Hunyo a-dose. Ano ba ang araw na ito? Hindi ba't ito ang araw ng ating kalayaan? Mahigit isandaang taon na nating ginugunita ang araw na ito, ngunit aking napansin na...

Tila nawala na ang kahalagahan nito sa ngayon.

Tayo ba ay tunay na bang malaya? Ilang dekada na ang nagdaan, ngunit marami pa rin sa atin ang nakakulong. nasasakdal sa mga kasalanang hindi naman dapat ipinapasan ng isang nilalang lamang. Hindi ba't ang pagkakilala sa ating mga Pilipino ay mga masayahing tao na nagbabayanihan, nagdadamayan sa problema ng bawat isa? Tayo ba ay pinaninindigan pa rin ito?

Oo, natapos na ang eleksyon. Naalala ko pa noong tugtugan namin noong nakaraang Mayo A-Onse (May 11), humirit ang aking kaibigan na "Bago na naman tayo magboto ng manloloko sa atin, magrakrakan na muna tayo"... Ako'y natawa, dahil iyon nga naman ay totoo. Bakit ko ikahihiya? Eh sa nagsasabi lang naman siya ng totoo.

Noong mga nakalipas na araw, ako ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagdiskusyon sa iba't-ibang taong nabibilang sa iba't-ibang sektor. Iisa lamang ang kanilang isinasagot: Hindi na nila ramdam ang pagiging masaya at pagiging malaya. Mistula na lamang tayong nakakulong sa isang hindi nakikita na selda na pinalilibutan ng mga guwardiya sibil.

Ang saya no? Maligayang araw ng kalayaan nga pala.

Pasensya na.

I'm just thinking aloud.



ghenzo wrote on Jun 12, '07
okie 4 mins before june 13... Maligayang Araw ng Kalayaan rin Bro! himala at tagalog at walang halong ingles ung blog (di ko alam tagalog eh) mo! hahaha...

got one question din...

When we watch a movie do we still stand up when we hear our nation anthem?

tanong lang po!
thesorrow wrote on Jun 13, '07
ghenzo said
okie 4 mins before june 13... Maligayang Araw ng Kalayaan rin Bro! himala at tagalog at walang halong ingles ung blog (di ko alam tagalog eh) mo! hahaha...

got one question din...

When we watch a movie do we still stand up when we hear our nation anthem?

tanong lang po!
Hindi ko alam... Hindi na ko nanonood ng sine eh... :P
pinoyblogosphere wrote on Jun 13, '07
kabayan sali tayo sa Kalayaan2007 contest sa PBS:

http://www.pinoyblogosphere.com/kalayaan2007

:)
thesorrow wrote on Jun 14, '07
kabayan sali tayo sa Kalayaan2007 contest sa PBS:

http://www.pinoyblogosphere.com/kalayaan2007

:)
Salamat kapatid!!! Sige! :)
Add a Comment